Biyernes, Agosto 11, 2017

  

Wika

Tungkulin ng Wika sa Lipunan

1. Instrumental. Tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. Tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Maisasagawa niya ang anuman at mahihingi ang iba’t ibang bagay sa tulong ng wika. Magagamit ang wika sa pagpapangaral, verbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos, pakikiusap , liham pangangalakal at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto.


Mahal kong Sodium,
Magandang Umaga! Kumusta kayo? Gusto ko sana magpatulong sa
inyo hinggil sa paggawa ng isang Liham Pang...
Paghingi ng tulong.

Image result for beware of dogs
Babala






 2. Regulatoryo. May gamit ding regulatori ang wika na nangangahulugang nagagamit ito sa pagkontrol sa mga ugali o asal ng ibang tao, sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga patakaran o palisi at mga gabay o panuntunan, pag-aaproba at o di-pagpapatibay, pagbibigay ng pahintulot at pagbabawal, pagpuri at pambabatikos, pagsang-ayon at di-pagsang- ayon, pagbibigay paalala, babala at pagbibigay panuto. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa pagluluto ng isang ulam, direksyon sa pagsagot ng pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga halimbawa ng tungkuling regulatoryo.









3. Interaksiyonal. Ginagamit ito sa pagpapanatili ng mga relasyong sosyal, katulad ng pagbati sa iba’t ibang okasyon, panunukso, pagbibiro, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu. Nailalarawan din ito sa pagkukuwento ng malulungkot at masasayang pangyayari sa isang kaibigan o kapalagayan ng loob, paggawa ng liham pangkaibigan. Paggamit ng mga salitang pang-teen-ager, liham- pangkaibigan, lenggwahe ng mga bakla, propesyunal na jargon, palitang ritwalistik, at dayalektong rehiyunal.

Image result for naguusap
Pagkwekwentuhan.




Related image
Pagsulat ng journal.











Image result for pagtula
Pagtula
4. Personal. Pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal. Paglalahad ng sariling opinyon at kuro-kuro sa paksang pinag- uusapan. Pagsulat ng talaarawan at journal at pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.Nasa anyo ito ng iba’t ibang pangungusap na padamdam, pagmumura, paghingi ng paumanhin, pagpapahayag ng mga pansariling damdamin (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag.












5. Imahinatibo. Ginagamit ito sa paglikha at pagpapahayag ng malikhain, estetiko o artistikong kaisipan. Kasama rito ang verbal o kaya’y pasulat na pag-awit, pagtula, pagkukwento, deklamasyon, akdang pampanitikan at iba pang gawaing ginagamit “ang wika para sa wika.”



Image result for watching tv
Panonood ng tv.



 6. Heuristiko. Ginagamit ito ng tao upang matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo, sa mga akademiko at/o propesyunal na sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o paghahanap ng kaalaman. Kabilang dito ang pagtatanong, pakikipagtalo, pagbibigay- depinisyon, panunuri, sarbey at pananaliksik. Nakapaloob din dito ang pakikinig sa radyo, panonood ng telebisyon, pagbabasa ng pahayagan, magasin, blog at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.




7. Impormatibo. Ang wika ay instrumento upang ipaalam ang iba’t ibang kaalaman at insight tungkol sa mundo.Ang wika ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon/datos sa paraang pasulat at pasalita.Ang ilang halimbawa nito ay pag-uulat, panayam, pagtuturo, pagpapaliwanag, pagsagot, pagtuturo at pagsusulat ng pamanahunang papel o tesi.


Related image
Paguulat ng balita.

 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

   Wika Tungkulin ng Wika sa Lipunan 1. Instrumental. Tumutulong sa tao para maisagawa ang mga gusto niyang gawin. Tum...