Wika
1.
Instrumental. Tumutulong sa tao para
maisagawa ang mga gusto
niyang gawin.
Tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao
gaya ng pakikipag-ugnayan
sa iba. Maisasagawa niya
ang anuman at
mahihingi ang iba’t
ibang bagay sa
tulong ng wika. Magagamit ang wika sa
pagpapangaral, verbal na
pagpapahayag,
pagmumungkahi, paghingi,
pag-uutos, pakikiusap , liham pangangalakal at pagpapakita
ng mga patalastas tungkol sa
isang produkto.
|
Paghingi ng tulong. | | |
|
Babala |
|
2.
Regulatoryo.
May gamit ding regulatori
ang wika na
nangangahulugang
nagagamit ito sa
pagkontrol sa mga ugali o
asal ng ibang tao,
sitwasyon o kaganapan. Kabilang dito ang pagbibigay ng
mga patakaran o palisi at mga
gabay o panuntunan, pag-aaproba
at o di-pagpapatibay, pagbibigay
ng pahintulot at pagbabawal,
pagpuri at pambabatikos,
pagsang-ayon at di-pagsang-
ayon, pagbibigay paalala, babala
at pagbibigay panuto. Ang pagbibigay ng direksyon
gaya ng pagtuturo ng lokasyon,
direksyon sa pagluluto ng isang
ulam, direksyon sa pagsagot ng
pagsusulit at direksyon sa
paggawa ng anumang bagay ay
mga halimbawa ng tungkuling
regulatoryo.
3.
Interaksiyonal. Ginagamit ito sa pagpapanatili
ng mga relasyong sosyal,
katulad ng pagbati sa iba’t
ibang okasyon, panunukso,
pagbibiro, pang-iimbita,
pasasalamat, pagpapalitan ng
kuro-kuro tungkol sa isang
partikular na isyu. Nailalarawan din ito sa
pagkukuwento ng
malulungkot at masasayang
pangyayari sa isang kaibigan
o kapalagayan ng loob,
paggawa ng liham
pangkaibigan. Paggamit ng mga salitang
pang-teen-ager, liham-
pangkaibigan, lenggwahe
ng mga bakla,
propesyunal na jargon,
palitang ritwalistik, at
dayalektong rehiyunal.
|
Pagkwekwentuhan. |
|
|
|
|
|
|
Pagsulat ng journal. |
|
Pagtula |
4.
Personal. Pagpapahayag ng personalidad at
damdamin ng isang indibidwal. Paglalahad ng sariling opinyon at
kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan. Pagsulat ng talaarawan at journal at
pagpapahayag ng pagpapahalaga sa
anumang anyo ng panitikan.Nasa anyo ito ng iba’t ibang
pangungusap na padamdam,
pagmumura, paghingi ng
paumanhin, pagpapahayag ng
mga pansariling damdamin
(tuwa, galit, gulat, hinanakit,
pag-asa, kagustuhan), at iba
pang pansariling pahayag.
5.
Imahinatibo. Ginagamit ito sa paglikha at
pagpapahayag ng malikhain,
estetiko o artistikong kaisipan.
Kasama rito ang verbal o kaya’y
pasulat na pag-awit, pagtula,
pagkukwento, deklamasyon, akdang
pampanitikan at iba pang gawaing
ginagamit “ang wika para sa wika.”
|
Panonood ng tv. |
|
|
|
6.
Heuristiko. Ginagamit ito ng tao upang
matuto at magtamo ng mga
tiyak na kaalaman tungkol
sa mundo, sa mga
akademiko at/o
propesyunal na sitwasyon. Ito ay ang pagbibigay o
paghahanap ng kaalaman. Kabilang dito ang
pagtatanong,
pakikipagtalo, pagbibigay-
depinisyon, panunuri,
sarbey at pananaliksik. Nakapaloob din dito ang
pakikinig sa radyo,
panonood ng telebisyon,
pagbabasa ng pahayagan,
magasin, blog at mga aklat
kung saan nakakukuha
tayo ng impormasyon.
7.
Impormatibo. Ang wika ay
instrumento upang
ipaalam ang iba’t ibang
kaalaman at insight
tungkol sa mundo.Ang wika ay ginagamit
upang magbigay ng
impormasyon/datos sa
paraang pasulat at
pasalita.Ang ilang halimbawa nito ay
pag-uulat, panayam,
pagtuturo, pagpapaliwanag,
pagsagot, pagtuturo at
pagsusulat ng
pamanahunang papel o
tesi.
|
Paguulat ng balita. |